Permalink
Dear Papa,
Alam ko by tonight may galit ka pa sakin. Galit ka sakin kasi nanghihingi na naman ako ng pera. Kasi wala ka ng pera sa araw araw na gastusin natin tapos manghihingi pako. Tapos brinought up mo pa yung pag-sali ko sa mga orgs at council. Na kailangan kong matapos ng maaga at nagiging hindrance ang pagsali ko sa org at wala itong maidudulot na maganda sa buhay ko.
Pa, bakit ganon po? Si Ate, President ng org, tapos may isa pa siyang org. Tapos ako 2nd year lang ako nagka-org, siya 1st year pa lang may org na. Pag siya bumabagsak, okay lang; ako pag bumagsak, parang sasabog na ang Pinatubo sa sobrang galit niyo considering na halos magkapareho lang kami ng tuition.
Dahil ba sa bobo ako? Kasi wala kayong tiwala sakin? Kasi gago ako? Wala akong direksyon sa buhay? Dahil ba inassume niyo na lahat na lang ng gagawin ko sa buhay ay mali?
Opo, minsan dahil din sa org/council, late ako umuuwi, di ako nakakapasok ng klase ko, o kaya nakakatulog dahil sa dami ng ginagawa at inaasikaso namin.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo, na kung di dahil sa mga putang inang org na to at punyetang council na to, nagkaroon ako ng kaibigan, TUNAY na Kaibigan. Nagkaroon ako ng mga kaibigan na nagMOTIVATE sakin para mag-aral ako ng mabuti. Kaibigan na nagpatanggal ng Homesickness ko kasi tinuring ko na silang mga kapamilya ko.
Hindi ko po alam kung bakit kayo ganito kasakim sa akin. Dahil ba si ate UP at ako MAPUA lang? Dahil ba mas MAHAL mo sila kesa sakin?
Andami kong tanong no? Kasi di ko talaga magets kung bakit ganyan kayo sakin. Kung sa tingin niyo, Pagmamahal tong gnagawa niyo sakin, well para sakin SINASAKAL niyo ko. Madami naman akong kakilalang naging President ng Org at naggraduate ng regular. Bakit ba? wala ba kayong tiwala na magagawa ko to? Ganun ba yun? Edi sana diniretso niyo na lang ako ng di nako naguguluhan kung bakit kayo ganito sakin
Oo magastos ako sa pera, mahilig akong lumakwatsa at kung saan saan pumunta.. Pero siyempre okay lang kung si ate yun. Pero pag ako, di pwede. Aaminin ko na magastos ako, and for that I am very sorry.
Atsaka pag si ate kina-Crab mentality ako kahit na nakakainsulto na, kahit na masakit na inaangat niya yung sarili niya habang ako CLEARLY na pinapahiya niya, tawa lang din kayo. Wala kayong pakelam sa nararamdaman ko.
Akala ko ba MAHAL niyo ko? Putang ina. IPARAMDAM NIYO NAMAN PO. Kung mahal niyo ko, SUSUPORTAHAN NIYO KO SA GUSTO KO AT TUTULUNGAN NIYO KO SA MGA TATAHAKIN KONG LANDAS.
Minahal ko naman po kayo ah, Sa sobrang pagmamahal ko sa inyo, araw araw kausap ko kayo sa Phone kahit asa Manila ako kasi miss ko na kayo. Pagkauwi ko ng Pampanga sermon at papagalitan niyo lang naman ako. Di pa ba sapat yung ginagawa ko sa inyo ni Mama? Gusto mo video call at viber pa? Pa, ANAK NIYO KO. Sana naman po IPARAMDAM NIYO SAKIN. Kasi sa mga ginagawa mo, wala akong maramdaman. Parang wala akong ama. Parang wala akong magulang….
Nagmamahal,
Anak niyo…